Gen. Ananias Noblejas Diokno – Gen. Diokno was the only Tagalog general to lead a full scale military expedition to the Visayas against the Spanish forces. He led the Battalion Maluya, a revolutionary force organized by Doña Gliceria Marella Villavicencio and General Marasigan with the help of Timoteo Marella and Capitan Apolonio Admana. He was also responsible for transporting arms from Japan, sent by the revolutionary Government. General Diokno with his officers and soldiers, embarked for Sorsogon on the steamers Bulusan, Taaleño and Purisima Conception, to help organize the first revolutionary government of the Bicol region. In November 1898,

the Philippine forces reached the port of Pandan, Ibahay & Capiz and defeated the Spanish forces. After a week they went to Iloilo and demanded the immediate surrender of the Spaniards.

During the American occupation, when the Americans came to Capiz on March 4, 1901, the Filipino troops were forced to flee to the mountains and later were urged to surrender. Many men surrendered, but General Diokno, with a handful of loyal stalwarts, retreated to the hinterlands and resorted to guerrilla warfare. Having been badly wounded in a skirmish, he was captured and imprisoned by the Americans. Gen. Diokno was born in Taal on January 22, 1860 and died on November 2, 1922 in Arayat, Pampanga.

Gen. Ananias Noblejas Diokno – Si Diokno ang kaisa-isang Heneral na naglungsad ng malaking expedisyong-militar laban sa mga Kastila, patungong Kabisayaan. Siya ang pinuno ng Batalyon Maluya, isang pangkat rebolusyunaryo na itinatag ni Doña Gliceria Marella Villavicencio at ni Heneral Marasigan, katulong si Timoteo Marella at si Kapitan Apolonio Admana. Siya rin ang nagpasok ng mga armas mula Japan, na ipinadala ng pamahalaang rebolusyunaryo. Pumunta si Heneral Diokno sa Sorsogon, sakay ang mga barkong Bulusan, Taaleño at Purisima Concepcion, kasama ang kaniyang mga alagad at sundalo, upang itatag ang pamahalaang rebulusyonaryo sa rehiyon ng Bikol.

Nong Nobyembre, 1898, ang mga Pilipino ay nakarating sa daungan ng Pandan, Ibahay at Capiz, at dito nila kinalaban at tinalo ang mga Kastila. Pagkatapos ng isang linggo, sila ay lumungsad sa Iloilo, at doon nila hiningi ang pagsuko ng mga Kastila.

Sa panahon ng Amerikano, sila ay dumating sa Capiz noong 1901, at ang mga sundalong Pilipino ay tumakbo at nagtago sa mga bundok. Sa katagalan, ang mga Pilipino ay napilitang sumuko. Marami ang sumuko ngunit si Heneral Diokno ay nagtago sa mga bulubundukin at gumamit ng mga kaalaman niya sa panglabang-gerila. Noong siya ay nasugatan sa isang enkwentro, siya ay nadakip at nakulong ng mga Amerikano.

Si Heneral Diokno ay napanganak sa Taal noong Enero 22,1860 at yumaon noong Nobyembre 2, 1922 sa Arayat, Pampanga.

 

OTHER NOTABLE TAALEŃOS